pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Wednesday, November 03, 2004

"Masayang Malungkot"

hhhaaaayyyyyy...... simula nanaman ng panibagong talata sa aking buhay kolehiyo... pero kakaiba ang nararamdaman ko sa pagpasok ngayong sem na 'to. "Masayang Malungkot"...
Masaya ako dahil una(1)... makakalabas na ako sa aming bahay... nung sem break kasi naburo ako sa bahay... lalabas lang ako kapag nagbabasketball sa umaga at kung inuutusan... pagtapos nun... ayun... nagbababad sa TV at Computer... haayyyy.... kakatamad... pangalawa(2)... magkakapera na ko... la kasi akong allowance pag walang pasok eh... pangatlo(3) magkikita na kami ng honey jennylyn ko... di ko na nga malala kung kelan ko sya huling nakita... la kasi akong pera para makabisita sa kanila... hehehe... at pangapat(4)... makikita ko na ang mga klasmeyts ko na mga pasaway.... hehehe... namiss ko kasi yung kaingayan nila eh...
Malungkot naman dahil malapit nang gumraduate ang karamihan sa mga berks ko... kaya tuloy mas lalo akong napipilitan na maghanda sa aking kaarawan dahil baka yun na ang aming farewell party... huhuhu... at pangalawa(2)... panibago nanamang hirap ang aking dadaanan...
Pero kahit anong mangyari... kaylangan ko lang maging matatag at kaylangang lalong magsipag dahil isang taon at kalahati nalang ay gagraduate na rin ako... (sana)

(exerpt from the song "liwanag sa dilim" by rivermaya... editted)
ako ang magsasabing
KAYA ko 'to
tulad ng isang tanglaw
sa gitna ng bagyo

ako ang magsasabung
KAYA ko 'to
'sang panalangin
sa gitna ng gulo

0 Comments:

Post a Comment

<< Home