pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Tuesday, September 14, 2004

ang mag-ama

kahapon ng ako'y pauwi galing sa aking paaralan medyo masama ang panahon... maambon at medyo may kalakasan ang hangin... sumakay ako ng jeep papuntang doroteo jose station (LRT) nakasabay ko pa nga ang aking kaklase na si rhea nilibre pa nga niya ako ng pamasahe nakakahiya nga eh pero mapilit eh. ayoko naman siyang mapahiya sakin kaya nagpalibre na rin ako... hehehe... pumara ako, nagpaalam sa kanya at bumaba ng jeep. sumakay ako ng LRT at bumaba sa monumento station. Dumaan sa loob ng Ever Grandcentral at tinahak ang daan patungong MCU. Dun kasi ako sumasakay ng bus... Naghintay ako at pinalampas ang ilang biyaheng malanday... napansin ko na lumalakas na ang ambon... nang makita ko ang isang bus dalidali akong sumakay... pagpasok aba'y napakaraming nakatayo... sumiksik ako hanggang makarating sa bandang dulo ng bus... mayamaya'y napansin ko na may humahagikhik.... isang bata ang nakikipagbiruan sa kanyang ama. nakakatuwang pagmasdan ang bata sapagkat naaalala ko ang aking sarili dahil ganun din ako tumawa... hehehe... at ang isa pang kapansinpansin sa bata ay ang kanyang natitirang dalawang ngipin sa baba... kulay brown na nga rin parang bibigay na... enjoy na enjo siya sa pangungulit nya sa kanyang ama... mayamaya'y nahinto ang pagtawa ng bata at sinabing "'Tay naiihi po ako"... ang sagot ng ama "Naku malayo pa tayo, tiisin mo muna..." Sumagot ang bata "E naiihi na talaga ako"... Ito ang ginawa ng ama: tumingin sa paligid at may inabot sa sahig, isang plastic. Sinabi sa anak na "Dito ka na lang umihi". Mayamaya'y nakita ko na lang na umiihi na ang bata sa plastic... At alam nyo ba kung anong ginawa sa plastic na may lamang ihi? Binuhol ng dalawng beses at pasimpleng hinagis sa ilalim ng aking upuan sabay tingin at ngiti sa akin... Wais...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home