pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Tuesday, June 07, 2005

ToUgH LuCk

pasukan nanaman... unang araw palang eh tinamaan agad ako ng kamalasan... papasok palang sa school nalagyan na ng kalawang ang aking polo kaya hayun... naglaba tuloy ako sa CR ng FEU... napatunayan ko tuloy na effective pangtanggal ng kalawang ang TIDE... ilang kusot palang... tanggal na... tapos todo pagpag ako para matuyo ng konti then pumasok na ako sa room ko para itapat sa aircon yung polo... nagdadalawang isip pa nga akong pumasok... baka kasi magalit yung prof dahil hindi nakasuot yung polo ko... buti na lang at si Sir TaƱafranca yung prof namin kaya napahanginan ko yung basang-basang polo...

ang panget ng sched ko ngayon... isang klase pa lang break na kaagad... tapos mamayang 3 break ulit tapos 6 na yung balik... bakit kaya nabago yung sched namin? kasi, imbes na apat ang subject ko ngayon... naging tatlo nalang... nilipat sa wednesday yung isang accounting subject ko... bale isang meeting na 3 hours nalang yun... kala ko pa naman mapapanood ko na yung Naruto ng 3 times a week... sayang....

haaayyyy... kakatamad... wala pang ginagawa... kaya ginamit ko nalang 'tong E-lib ko... hehehe... mukhang di nanaman aabot sa kaligitnaan ng sem 'tong account ko ah...

sa aking paggamit sa pc ng E-lib, nalaman ko na maraming problema ang site na ginawa ko... isa na dito ay ang background... hindi smooth yung transition nung kulay... tapos yung button sa navbar... pagclick... nawawala yung graphics... ano kayang problema nun? mukhang babaguhin ko pa yung setting nun sa dreamweaver ah... manual pa ang pageedit nun... ibig sabihin... lahat ng page na ginawa ko... iuupdate ko... huhuhu... matagal-tagal din yun...

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

panu b mglink? alam mo ako nkgraduate ako ng feu n ndi ko npkinbangan ung e lib. ndi kc ko nkkpag p orient. hihi. syonga ko noh..

4:15 PM

 
Blogger jhay said...

panong link? gusto mo bang ilink kita dito? o may ililink ka sa blog mo?

kung may blog ka or site na gusto mong ilagay ko sa links ko... post mo nalang yung url mo dun sa chatterbox... o kaya dito...

salamat sa pagbisita... pakilala ka naman....

3:07 PM

 
Blogger jhay said...

michelle... ay maganda na pala yung sched namin... hehehe... compare naman sa sched nyo... para kayong mga gwardya na night shift... hehehe... aminin mo na kasi... miss mo na kami... hehehe... wala ka na sigurong maasar dun...

7:57 PM

 
Anonymous Anonymous said...

hahaha...maganda ah...nice nman..[ero mas wow kung may picture din ako jan..hhehehehe...

9:27 PM

 

Post a Comment

<< Home