pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Saturday, December 25, 2004

naku Christmas na...

Christmas na... wala pa rin akong regalo sa mga inaanak ko... huhuhu... utang na naman... baka pag may trabaho na ko at malalaki na ang mga inaanak ko balikan at singilin ako... hehehe... buti pa nga yung kapatid ko nagpupuyat kakacross stich ng pangalan ng mga inaanak nya... at pagbabalot ng mga coin purse... yun na yung regalo nya... (cheap) pero at least sya mayroong regalo. Pati nga sa girlfriend ko may regalo sya eh ako nga walang regalo para dun... nadagdagan na naman ang utang ko sa kanya... nung birthday nya kasi wala rin akong nairegalo... huhuhu... sana sa valentines day may mairegalo na ko... anyway, bahala na si mama sa mga inaanak ko... maya maya mapupuno na ang bahay namin ng bisita... dalawa kasi ang sinecelebrate dito pag pasko... Kaarawan din kasi ngayon ng aking lola... Astig nga eh... kung lola ko December 25 ang asawa nya na lolo ko (syempre) November 1...
haaayyy... sana maraming magregalo sakin... hehehe... naaamoy ko na ang luto ni inay... kaya parang... parang... parang may anghel sa aking labi (ilong pala... naaamoy ko pa lang eh) na nakalutang sa ulap at nangigiliti... makakain na nga...
Merry Christmas... sana maging maligaya ang araw na ito...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home