pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Thursday, February 10, 2005

another hectic schedule...

haaayyyy... iniisip ko palang napapagod na ko... pano ba naman... bukas babalik kami ng grupo ko sa Dagupan para humingi ng additional information na kaylangan namin para matapos namin ang aming marketing plan... sana lang meron na silang maibigay... ang masaya dito 9 pm ang uwi ko ngayon at nataong wala kaming tutulugan o pagpapalipasan ng gabi na medyo malapit sa bus terminal... so uuwi pa 2loy ako ng bahay... mga 10 na siguro ako makakarating ng bahay... tapos kaylangan alas 4 kami magkita-kita sa terminal so mga 2 ng umaga gumising nako para makagayak at makaalis ng 3... pagkatapos nun, kaylangan naming lumuwas agad ng manila dahil required daw kaming manood ng play sa CCP... 8 ng gabi yun so kaylangang umalis kami sa Dagupan ng hindi lalampas sa 1 ng hapon para kahit matraffic ay umabot kami o makauwi sa bahay para makaligo at makapagpalit ng damit... tapos kaylangan naming masummarize yung mga survey results at maayos na yung mga kaylangan ipasa on saturday... huhuhu... kaylangan ko pa kasing gumising ng maaga sa sabado para makasabay ko honey ko para makuha ko yung survey nya sa scul niya... eh sa tingin ko kasi baka 10 pm na matatapos yung play so baka 11-12 na me makauwi d2 samin eh kaylangang 4:30 ng umaga ako magising para masabayan ko siya... at hindi pa dun natatapos ang hirap... sa sunday... gagawa kami ng banner para dun sa JPIA week... at pagkatapos nun.... haaayyy ayoko ng isipin...
teka... midterm exam nga pala namin ngayon sa special topics baka pati narin sa auditing... huhuhu... di pa ko nagaaral... stock knowledge nanaman (sana lang merong nakastock)... makapagbasa na nga...

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

worth naman!! galing natin!! 2nd place is quite big..
keep up the good work.
Godbless!

10:44 PM

 

Post a Comment

<< Home