pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Tuesday, March 15, 2005

PaNiNiBaGo...

grabeh... matagal ko nang di nauupdate tong blog ko... para kasing nawalan na ko ng ganang magisip ng pwedeng maipost dito... para kasing wala namang kakaibang nangyayari sa buhay ko... matapos yung marketing plan... parang bumalik na naman ako sa aking nakakatamad na buhay... hanggang ngayon, naninibago parin ako... namimiss ko na kasi ang umuwi ng hating-gabi... umaalis ng bahay kapag walang pasok para pumunta sa bahay ng kaklase... namimiss ko na rin ang mga awayan namin nung mga kagrupo ko... namimiss ko narin yung asaran sa classroom about dun sa marketing plan... at higit sa lahat... namimiss ko nang magpuyat... lagi na kasi akong maagang natutulog eh... alas 9 o alas 10 inaantok na ko... di karulad nung dati na kahit alas 3 na ng umaga buhay na buhay pa dugo ko... haaaayyyyy... tunay ngang bumalik na sa normal ang buhay ko...
pero kahit bumalik na sa normal ang pangaraw-araw na pamumuhay ko... meron akong napansing pagbabago sa sarili ko... napansin narin ito ng aking mga katropa...
napansin kong... hindi na pala ako yung dating nanalo as mr. chismoso... sabi nga ni aaron... humina na raw ang radar ko... napansin din nila michelle na parang ang tahimik ko na raw... hindi magsasalita kung hindi kakausapin... nagtataka nga rin ako sa sarili ko eh... lagi kong tinatanong kung bakit...
sa aking pagmumuni-muni... narealize kong... natutuhan ko nang magpahalaga sa mga lihim na sinasabi sa akin ng aking kapwa... natutuhan ko na ang kahalagahan ng pagtitiwala ng mga taong nagsasabi ng lihim... pero nagtitiwala nga ba talaga sila o sadyang pareho lang kami ng landas na tinatahak dati... landas ng pagiging chismoso... pero kahit ano pa man ang dahilan... masaya pa rin ako na kahit papano ay may natutunan ako tungkol sa aking sarili...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home