pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Sunday, April 24, 2005

sMaLL tRiBuTe...

haaay... tagal kong nabakasyon dito sa aking blog... pero first things first... i'd like to congratulate all my friends who graduated this year... especially to my friends in FEU... teka... di naman nila to mababasa ah... pero anyway, i just want to give them a small tribute... i will post their pictures here in my blog... hehehe...


ito ang aking mga original na tropa dito sa feu... simula nung second year first sem ay kasama ko na ang mga ito... nahiwalay lang kami ni mark dahil kami lang ang pinalad na makapasa sa quali... grabe... ang daming mga masasayang alaala ang nagfaflash-back sakin ngayon... kapag magkakasama kami... hindi nauubos ang tawanan... asaran... barahan... inuman... at kung ano-ano pang kaabnormalan... kapag may okasyon (birthday)... madalas kaming nagoovernyt sa bahay nung celebrant... pero minsan kapag hindi pwedeng magovernyt... umuuwi kami kahit magaalasdos na ng umaga... at dahil na rin sa masyadong malalayo ang mga bahay namin... para tuloy laging may field trip... haaayyy... namimiss ko na nga ang asaran at kantahan habang nagiinuman... mga talentado kasi sa paggigitara ang iba sa kanila kaya hayun... walang humpay ang aming kantahan hanggang sa may mabangag at may magsuka...


ito ang iba ko pang malalapit na kaibigan... kapag di ko kasama yung mga ungas na tropa ko eh sila ang aking nakakasama... yung tatlong nauna (dito sa picture na to) sila ang madalas kong kagroup nung second year first sem... naalala ko tuloy yung play na ginawa namin para sa lit... hahaha... talagang nagkalat ako dun... lumabas talaga ang pagiging nerbyoso ko... pero dahil din sa project na yon... nabuo ang iba't-ibang relasyon... dito ako nagkaroon ng bestfriend na babae... pero di rin nagtagal ang aming pagiging magbestfriend... sa kadahilanang... wala lang... hehehe... umalis din siya ng feu at lumipat ng school... yung dalawa sa taas... sa bahay namin nagsimula ang kanilang pagmamahalan... ahehehehe... iyon ay dahil sa star gazing... subalit may kanya-kanya na silang karelasyon ngayon... yung isa sa baba (left side) siya ang sumunod na naging bestfriend ko... pero muli... di ulit nagwork ang aming pagiging magbestfriend... sayang at ang iba ko pang kagrupo ay lumipat ng school o nagshift ng ibang course pagtapos nung quali... yung dalawang huli... sila ay kabilang sa mga kaunaunahan kong naging klasmeyt sa feu... actually tropa ng sister ko yang dalawang yan... yung pinaka huli... cum laude ng BSCFA... nakapasa sya nung 2nd take niya nung quali pero di nya tinuloy at nanatili sya sa course nya...


sila naman ang mga minsa'y naging malalapit kong kaibigan... siguro hanggang ngayon (para sakin ewan ko nalang sa kanila)... hehehe...

muli... congratulations sa mga grumadweyt ngayong year na to... gud luck sa career... sana'y magkita-kita tayong muli... at sa pagkikita nating yon, nawa'y kapwa tayong matagumpay sa ating kanya-kanyang buhay...