LoVeRs iN LRT
nagsimula ang lahat sa pagkakasabay sa isang train station... ang minsan ay naging madalas... hanggang sa dumating ang araw na naging paulit-ulit na ang gawaing ito... wala namang problema, dahil magkapareho sila ng oras ng pag-pasok at pag-uwi dahil sila ay magkaklase... ang dating asaran ay unti-unting napapalitan ng tawanan at kilitiian... nagkasundo kahit dati'y halos magkapikunan kapag nagaasaran... patunay lamang na ang paguusap ng madalas ay nakakapagpabago ng pagkakakilanlan sa isa't isa... natuklasan nila ang mga positibong bagay ng bawat isa... sinimulang intindihin ang dati'y hindi maintindihang personalidad... isa-isang tinimbang at napatunayang nagkakatugma ang kanilang nararamdaman...
sa una'y hindi mapapansin ang kanilang unti-unting pagbabago... ngunit nang isang araw... bumuhos ang malakas na ulan... nagalala ang isa dahil baka hindi siya makapasok sa kanyang klase... naghintay... naghintay... maya-maya'y isang taong may daladalang payong ang dumating... nagulat ang kasama ng naghihintay... nagsuspetya... inanalisa ang sitwasyon... binalikan ang mga pangyayari... at natuklasang ang dating pagsaba'y sabay sa paguwi ay nadagdagan pa pala ng paulit-ulit na pagkakasabay sa pagpasok... wala namang problema kung paminsan minsan... ngunit ito ay naging paulit-ulit... ano kayang misteryo ang bumabalot sa kanila...
ang mga tao sa kanilang paligid ay nagbigay ng kanilang mga haka-haka... mga balitang mas mabilis pa sa dyaryo ang pagkalat... ang iba'y hindi naniniwala... ang iba'y nagalit sa pangingialam ng ibang tao... ang iba nama'y napagisip... ano nga ba ang katotohanan... totoo bang may isang pagtitinginang nabubuo sa pagitan ng dalawang taong ito?...
ang iba'y sa kagustuhang matuklasan ang katotohan... pilit silang pinapaamin... ngunit kapwa sila nagmatigas... ngunit nang isang araw na nagkaroon ng pagtitipon ang buong klase... ang mga haka-haka ay biglang naging malinaw... dahil muli... kahit na magkaiba at magkalayo ang pinanggalingan... sila'y magkasabay paring dumating sa lugar ng pagtitipon... at lalong tumibay ang ebidensya ng mga haka-haka dahil sa kabila ng mga pangaasar ng mga tao sa paligid... sila'y laging magkasama saan man magpunta ang isa... kulang na nga lang ay langgamin sila... sino sila?... ewan... vwahahaha...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home