pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Tuesday, August 31, 2004

pressured...

kanina, pinagtatawanan ako ng aking mga kaberks dahil parang papatay daw ako ng tao sa inis... pano ba naman, pagkatanggap ko ng gawa namin sa production e may nakita akong superimposition na grade... sa malayo palang sabi ko mukhang mababa grade ah... abay oo nga... "75" ang grade namin... 75!!!!!!!! At di pa doon nagtatapos ang aking pagkabigla... nakalagay sa ilalim ng grade ay "2 QUIZZES"! anak ng .... pagkatapos naming kumain sa chowking at bumili ng tagiisang lauriat 75 lang ang grade namin?...
di ako mapakali... tiningnan ko ang mga grade ng kaklase ko at hinayupak, 100 silang lahat... ano bang nangyayari... nung tiningnan ko ulit yung papel, nakita kong may nakalagay na "late" dali-dali kong pinaliwanag kay mam ala na hindi naman kami talagang late... salamat naman at mabait at maintindihin si mam kaya yun, 100 na rin ako... yehey...
akala ko tapos na ang pagdurusa ko sa mga mali-maling gawa... pagkatapos kong makakuha ng 100/120% na grade kay sir dulay na karamihan sa klase ay naka 120% heto't natanggap ko ang ginawa kong assignment sa production ulit... 95 lang kami... samantalang ang karamihan ay 100 nanaman... pagbukas ko ng papel may nakita akong sulat na kulay pula... binasa ko... ang nakalagay ay "production strategy?" akalain mo yun, wala pala akong nailagay na production strategy... peste talaga... mali-mali talaga ako... huhuhu...
Kaya heto ko ngayon dito sa blog binubuhos ang mga pagkakamali ko... nirerefresh ko lang ang utak ko... meron pa kasi akong assignment na gagawin sa FinMan at HRM... haayyy... kaya ko to... matatapos ko tong lahat...

Monday, August 30, 2004

USA for bronze medal only... sinong dapat sisihin?

galing ng Argentina... Olympic gold medalist sa mens basketball... pagkatapos nilang pahirapan at talunin ang US team (di ko na kasi masabing dream team kasi di naman talaga pang dream team ung line-up nila)... sino ba dapat ang sisihin sa pagkatalo ng US... personally, dapat sisantihin na ung official na namili ng players ng US... tsaka ung mga pastar na mga basketball players ng NBA... puro pera ang nasa isip... tsaka takot mainjured... siguro naman matututo na sila sa nangyari... gumawa ng history ang US team... 1st time matalo sa olympics since payagan ang NBA players na maglaro... at first time din to finish 3rd... ganyan talaga ang basketball... kaya abangan nalang natin kung seseryosohin na ng US ang Olympics with regards to basketball...

Birthday na walang handa

kahapon ay ng birthday ang aking bunsong kapatid... at dahil sa kapos kami ngayon... 1st time na walang handaan sa bahay... cguro dapat wag na rin akong umasang maghahanda ang aking inay sa aking nalalapit na kaarawan... kaya sa mga barkada kong umaasang may inuman sa bahay... wag na kayong umasa... hehehe... mabuti na yung inunahan ko na kayo para wala ng kulitan... teka, mababasa kaya nila ito?...

Friday, August 27, 2004

Pesteng Virus...

bad trip talga... dahil lang sa isang pesteng diskette... lahat ng games at mp3 ko ay mabuburang lahat... haaayyyyy.... ilang internet prepaid na ang nabili ko para madownload ko ang mga mp3 ko... ilang madaling araw na rin akong gumigising para magamit ko ung free internet access ng BLAST... Tapoz... sa ilang segundo lang... mababalewala rin ang lahat ng yun... Napakawalang kwenta nga talaga ng mga anti-virus... di naman anti-virus un eh... idedetect nya lang ung virus tapos kapag masyadong komplikado na... e wala na syang magagawa... haaayyyy... pasaway talaga... pag naayos ko na ung pc ko... bawal ng gamitin ung floppy drive... mas maganda pa nga yatang tanggalin ko na lang un... para wala ng virus na makapasok sa pc ko... pera na lang kung galing sa internet... haaayyyy... napaka hinayupak naman kasi nung mga taong walang magawa. mga maninira.... peste...

USA... on a different style...

grabe si stephon marbury... 31 points including 6 of 9 shooting from the 3 point area... nabreak nya ang US record na 5 3-points; tsaka 30 points in an Olympic Game... talagang nagbago na ang ihip ng hangin... pagkatapos ng dalawang nakakadisappoint na pagkatalo ng US sa preliminary round eh heto't nakabawi na... tinalo nila ang Spain na undefeated sa preliminary sa group nila... ang unang pagkatalo nila ay sobrang bigat dahil laglag na sila for a medal race... pero bilib pa rin ako sa star ng Spain na si Pau Gasol... grabe... MVP ang dating... pero tingin ko... kung malusutan man nila ang Argentina sa semis, mahihirapan silang manalo sa Lithuania o kahit na sa Italy kung sino man ang manalo sa dalawa... pero ika nga "bilog ang bola" swertihan din...

Haay... Buhay....

Bakit pa kasi kaylangan ng pera para mabuhay eh... bakit pa kasi kaylangang bayaran ang lahat ng ginagamit... Bakit pa kasi kaylangan dekuryente ang lahat ng gamit namin sa bahay... kaya tuloy lagi akong napapagalitan kapag ginagamuit ko ang computer at nanonood ng TV. Bakit? masama bang magbabad ng 5 oras sa PC minsan umaabot pa ng 7 oras walang tigil... walang break... walang kain... hehehe... At masama rin bang magbabad sa TV ng hanggang madaling araw? hehehe... Kung ako siguro ang nanay ko, di lang sermon ang gagawin ko, papalayasin ko na anak ko, hehehe... Kaya ngayon... nagco-cost cutting na kami... bawal na gamitin ang pc ng matagal... pinakamatagal na 1 oras, di narin pwedeng manood ng TV hanggang madaling araw (di ko naman sinusunod... nasa kwarto ko TV eh. hehehe) Tsaka OLYMPICS ngayon... malapit na ngang matapos eh... hanggang sunday na lang (monday pala satin)... haaayyy buhaaayyyy... kaylangan talagang kumayod para masunod ang luho... kaya kayo... (ay mali ako lang pala, wala nga palang nakakabasa sa blog ko) magtipidtipid na!!!!!

Tuesday, August 24, 2004

Ang Inggetero... The Beggining...

Nakakainggit kasi si sir paeng eh... may blog, ako wala... kaya eto gumawa narin ako kahit alam ko na wala namang bibisita d2 sa blog ko... hehehe... masabi lang na MAY BLOG NA RIN AKO!!!!! Wala kasing magawa d2 sa napakainit na e-lib extension. pasaway kasi eh.. isa lang aircon!!!! Ang haba kasi ng pesteng break namin eh... di pa pumasok si mam ala kaya ayun, anim na oras ang aming break... da ba??? ang ganda naman kasi ng schedule namin eh... daig pa namin nagtratrabaho, dose-oras... kulang na nga lang sweldo eh... hehehe... sabagay may baon naman kaso sandali lang din un eh... sa haba ba naman ng break malamang na magastos mo rin un sa kakakain... haaaayyy... kakatamad pumasok... kaso may activity kay mam dindin eh, kaylangan...