pagtiyagaan ang mali-maling grammar...

Wednesday, June 29, 2005

tUnOg Ng aKiNg BuHaY

ano itong katahimikang bumabalot sa aking paligid... halos wala na akong marinig... isang nakakabinging katahamikan... nasaan ba ako? (lingon sa paligid)... binuksan ang TV subalit mukhang sira ang speaker... sinubukan ang radyo pero wala ring lumalabas na tunog... ano ba itong nangyayari sa akin... anong misteryo ang bumabalot sa akin... ako'y nataranta, natakot, sinubukang ihampas ang upuan sa pinto sa kagustuhang makarinig ng tunog ngunit wala talaga... nakita ko ang telepono... inangat... pero walang marinig na dial tone... sinubukan paring magdial... panandaliang naghintay... at... ano itong aking narining... sa likod ng isang maingay na paligid ay may isang munting tinig na narinig... isang pamilyar na boses... ako'y nagsalita... tinanong kung bakit maingay sa lugar niya... ako'y nagulat sa kanyang isinagot...

KAARAWAN KO NGAYON!!!

ano ba 'tong pinagsususulat ko... ano bang relasyon nito sa kaarawan ng aking sinisintang irog (ang corny ko naman)... sinusubukan ko lang ibahin yung katagang "ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking buhay"... subukan ko naman yung "ikaw ang nagbibigay ng tunog sa aking buhay"... ang panget... ganito nalang... "ikaw ang musika ng aking buhay"... pwede... kahit magkaiba ang tunog sa musika...

maligayaang kaarawan... sana'y patuloy kang gabayan ng ating Panginoon... panatilihing malusog... ilayo sa kapahamakan... ng sa gayon ay palagi akong may marinig na tunog/musika dahil tulad nga ng sinulat ko kanina... "ikaw ang musika ng aking buhay"... hehehe... tama na nga... sobrang corny ko na... muli... maligayang kaarawan!!!

Friday, June 10, 2005

NaUnSiYaMi

buwisit... bakit ba kasi ngayon ko lang inasikaso yung NSTP ko... di pa tuloy ako nakapagenroll... bakit ba kasi kaylangan pa ng Report of Ratings eh may kopya naman sila sa computer nun... pero ano man ang gawin kong dahilan dito... ako parin naman ang may kasalanan... bakit ba kasi hindi ako naniwala kay Lazarte na kaylangan ng ROR... haaayyy... next sem ko na tuloy makukuha yun... masasabay pa tuloy sa OJT ko... haaaayyy... kakainis naman... nasa huli talaga ang pagsisisi...

Tuesday, June 07, 2005

ToUgH LuCk

pasukan nanaman... unang araw palang eh tinamaan agad ako ng kamalasan... papasok palang sa school nalagyan na ng kalawang ang aking polo kaya hayun... naglaba tuloy ako sa CR ng FEU... napatunayan ko tuloy na effective pangtanggal ng kalawang ang TIDE... ilang kusot palang... tanggal na... tapos todo pagpag ako para matuyo ng konti then pumasok na ako sa room ko para itapat sa aircon yung polo... nagdadalawang isip pa nga akong pumasok... baka kasi magalit yung prof dahil hindi nakasuot yung polo ko... buti na lang at si Sir TaƱafranca yung prof namin kaya napahanginan ko yung basang-basang polo...

ang panget ng sched ko ngayon... isang klase pa lang break na kaagad... tapos mamayang 3 break ulit tapos 6 na yung balik... bakit kaya nabago yung sched namin? kasi, imbes na apat ang subject ko ngayon... naging tatlo nalang... nilipat sa wednesday yung isang accounting subject ko... bale isang meeting na 3 hours nalang yun... kala ko pa naman mapapanood ko na yung Naruto ng 3 times a week... sayang....

haaayyyy... kakatamad... wala pang ginagawa... kaya ginamit ko nalang 'tong E-lib ko... hehehe... mukhang di nanaman aabot sa kaligitnaan ng sem 'tong account ko ah...

sa aking paggamit sa pc ng E-lib, nalaman ko na maraming problema ang site na ginawa ko... isa na dito ay ang background... hindi smooth yung transition nung kulay... tapos yung button sa navbar... pagclick... nawawala yung graphics... ano kayang problema nun? mukhang babaguhin ko pa yung setting nun sa dreamweaver ah... manual pa ang pageedit nun... ibig sabihin... lahat ng page na ginawa ko... iuupdate ko... huhuhu... matagal-tagal din yun...

Sunday, June 05, 2005

TeNjHo TeNgE

haaayyy.... tapos na ang One Piece... kaso nakakabitin talaga yung story... di man lang pinakita na napatay ni Luffy si Eneru... anong nangyari sa mga tao ng Sky Pia? tsaka ano ng nangyari sa main goal ni Luffy? ang makuha ang kayamanan ni Pirate King Gold Roger... ang One Piece... masyado nang lumayo ang istroya... kung iisipin, parang nasa kalahati palang ang naipapalabas nila... isipin mo... dalawang pinuno palang ang napapatay nila... sina Arlong at Crocodile... may lima pang natitira... may katapusan nga ba talaga 'to?

isang panibagong anime ang ipapalit ng GMA sa One Piece... ito ay ang Tenjho Tenge... basahin nyo ang plot summary nito:

Souchirou Nagi and Bob Makihara are two delinquents who arrive at Toudou Academy with the objective of ruling over the school with their strength. But on their first day, they encountered the Jyuukenbu, a martial arts group of the school. Members of the group, Maya Natsume, her sister Aya, and Masataka Takayanagi easily overpowered Souchirou and Bob. And what's more, due to what was assumed to be their "connections" with the Jyuukenbu, the two were attacked by members of the Enforcement Group, which oversees the martial arts groups of the school. Drawn into the personal conflicts between the Jyuukenbu and the Enforcement Group, Souchirou and Bob have no choice but to join up with Maya Natsume's group and to hone their skills to become even stronger.

ayon sa website nila... ang volume 1 nito ay may 100 mins. lamang na runtime at ang volume 2 ay may 75 mins. meaning 175 mins. lang lahat... kung ipapalabas yan dito... mga 10-15 mins. (di kasama yung commercial) a day ang pagpapalabas nito... so mga 12-18 days lang ito ipapalabas? totoo ba ito? baka naman gawin nilang 5 mins. lang sa bawat araw... anong mapapanood mo dun? hehehe... tiyak na tadtad na naman ito ng commercial...

base sa review na nabasa ko tungkol dito... masyadong x-rated ang anime na ito... grabe daw ang ginawang editing para maipalabas lang sa tv... maganda kaya 'to? ewan? malalaman... panoorin nyo ang premiere nito bukas pagtapos ng Glass Shoes, bago mag Shaman King...

Thursday, June 02, 2005

GaMiNg InDuStRy

buti na lang at napanood ko ang Breakfast kanina... maganda kasi yung topic nila... about sa mga computer game developers dito sa Pinas...

bukod sa Tantra, Khan at Anito, mga games na kapwa dinevelop ng mga Pinoy, isa nanamang panibagong Pinoy computer game ang sumulpot... ito ay ang REPUBLIKA... isang Role Playing Game (RPG) na ibinase ang konsepto sa mga larong tulad ng counter-strike, quake at halo... kakaiba ang setting ng story nito... mga taong 2056 nagkaroon ng civil war dito sa Pinas at dahil sa technology... gumawa ang mga tao ng kanikanilang armas na pandigma gamit ang mga bagay na matatagpuan sa ating kapaligiran... ilan sa mga ito ay mga parte ng tricycle, jeep at iba pang mga basura... tulad ng CS, may mga stage o battlefield din kayong pagpipilian... at dahil nga ito'y isang Pinoy based na laro... isa sa mga stage nito ay ang SM Megamall... dahil nasa BETA stage palang sila... medyo hindi pa smooth ang graphics nito... pero ito'y kahanga-hanga talaga sapagakat ito'y ginawa lamang ng isang grupo ng mga estudyante... marami pang ibang unreleased pinoy computer games: away agaila, anak bathala, animakomiks at the war of the worlds

tunay ngang marami nang mga tao ang nahihilig sa mga computer o cyber games... ang iba sa kanila ay ginagawa ng hanap buhay ang libangang ito... sila ang mga tinatawag na PROgamers... ang ilan sa kanila ay kumikita ng $300,000 a year sa pagsali-sali lang sa iba't-ibang international cyber game competitions... ang iba naman ay kinukuha ng malalaking kompanya tulad ng Sony Interactive, Konami at Capcom para maging Game Tester... ang trabahong walang ibang ginagawa kun'di laruin maghapon ang mga bagong games na dinedevelop ng mga kompanyang ito... (sounds boring yet interesting)

ang Samsung Philippines ay may programa rin na sumusuporta sa cyber gaming industry... ang WCG 2005... naghahanap sila ng mga gamers dito sa Pinas para irepresent ang bansa natin sa mga world cyber games competition... kung feeling mo ay isa kang hardcore gamer ng mga larong Counter-Strike, War Craft: Frozen Throne at Star Craft: Brood Wars... mag apply ka sa kanila... kapag nakuha ka nila... ipapadala ka nila sa Singapore (all expense paid) and will have the chance to fight some of the best PROgamers in the world... Astig di ba?

kung kayo ay isa talagang hardcore computer gamer at may interes kayo sa pagdevelop ng inyong sariling computer game software... mayroon dito sa Pinas na nagbibigay ng course tungkol dito... ang Phoenix One... interested? read more about it...

isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit hindi umaasenso ang bansa natin when it comes to computer game developing... ito ay ang PIRACY... maraming mga international computer game developing companies ang natatakot maginvest dito sa ating bansa dahil alam nilang mataas ang bilang ng mga namimirata dito... sayang at hindi mabibigyan ng opportunity ang mga pinoy programmers na ipakita ang kanilang talento...

WaLaNg MaGaWa

masyado na yatang naparami ang mga abubot na nailagay ko sa aking sidebar... wala kasi akong magawa... wala naman akong maisip na pwedeng isulat dito... kakatamad talaga 'tong bakasyong 'to... medyo pumuti na nga ako dahil bihirang-bihira lang akong lumabas ng bahay... di kasi ako binibigyan ng pera ng aking inay... haaaayyyy... burong-buro na ko dito... sawang sawa na ko sa kakalaro ng NBA, Generals, tska ng kung ano ano pang snes at PS games...